Oh Eh Ano?

Hello sa inyong lahat! Syempre bago ako maki-epal sa mundo ng blogging eh magpapakilala muna ako sa inyo! :D

Ako nga pala si Promdi Dormitoryano, pwede nyo na din akong tawagin sa pangalang Puypuy :] Haha. Anyway highway, ako ay nagba-blog dahil ako’y nababagot at nakatihay lang dito sa aking umuuga-ugang hospital bed sa aking dormitoryo.

So, bakit ko nga ba naisipang mag-blog? Simple lang naman ang aking gusto, magpapansin at magpalipas-oras. Darn! College life sucks. Kaya kelangan ko ng mga ganitong outlet para naman di na lang puro numero ang laman ng utak ko.  Tapos, total naman eh nag-dodorm ako dito sa loob ng isang sikat na unibersidad, mabuti na ding talakayin ko ang tuwa’t hirap ng pagiging isang dormer.

Ang daldal ko. Sori naman, ganito lang talaga ako, mapang-agaw ng atensyon :D Pero ayun, wala nang kung anu-anu pang kadramahan ang kailangan upang simulan ang aking legacy sa mundo ng blogging. Lol. Gumaganun? Haha. Sige. Basa lang kayo at makialam sa buhay-buhay ko.

Ewan ko ba, sa dalawang taon na aking pamamalagi sa dormitoryo: isang dor-mitoryong pangbagong salta at isang panggurang na, ay hindi ko naisipan mag-blog ng mga hinaing ko sa maingay kong roommate o sa mapanghi naming CR,-sa liit ng aming espasyong pinaghahatian o sa pagkaing pilit na pinapalamon-samin.

Nung una, naiinis din ako sa aking mga magulang kung bakit ba nila ako isinalta sa isang chipipay na dorm kung pwede naman kami makakuha ng isang boarding house malapit sa unibersidad, o di kaya’y makitira sa aming kamag-anak dun sa Maynila. Palibhasa, hampas-lupa lang kami kaya dun na lang sa mas mura.

Masaya din naman ako dahil sa una kong dormitoryo nakilala ang una kong mga kaibigan dito sa unibersidad. Di nga sila perpekto, pero mababait at muk-hang-alien din sila katulad ko. Isip-alien din ang mga ulol, at matatalino. Kaya nung dulo, mangiyak-ngiyak din ako sa paglisan namin dun sa dormitoryo. Oo, ang loser ko no? Pero ganun talaga yun.

Pero, bago muna ang dramahan, magbunyi muna tayo para sa aking bagong blog! :) Dahil bagong taon na naman ang lilipas sa aking pag-aaral, papasok na naman ako sa mala-haunted house kong dormitoryo. Oo, dati syang ospital. Scary di ba? Napakaluma in and out ng dormitoryong ito. Napaglumaan na nga ng panahon.

Kaya, inaanyayahan ko kayong makibasa at makipagkwentuhan tungkol sa -aking buhay bilang isang dormitoryano.

Yun lang muna, mga parekoy :D Sa uulitin! Paalam muna :D

Enjoy muna mga repapipz :D Petiks petiks muna ako.

6 Comments Add your own

  • 1. Yom  |  May 24, 2008 at 10:56 am

    Hey Puypuy, my URL is spelled as “kuwentongpasahero”, not “kwentongpasahero”. Ayt? Hehe. :)

    || Hey Yom! Yep, I edited it na! :D ||

  • 2. yo!  |  June 1, 2008 at 4:15 am

    Anong dorm yung dating ospital? o.o Bagong kaalaman! Dumaan lang. ^_^

    || Molave po :] Yun lang. ||

  • 3. aLps  |  June 1, 2008 at 7:44 am

    I feel that you’re from UPm.. :/ Hehe.. Link ex!

    http://infinity8.wordpress.com :D

    || I’ll add you up later. If you add me up too. ||

  • 4. Joanne  |  June 9, 2008 at 1:52 am

    hindi ko alam kung pano ako napadpad dito.

    anyway, good luck sa dorm life.

    || I graced upon your website once. Maybe yun na yun. :-) Thanks. Links ex? ||

  • 5. saishin  |  June 15, 2008 at 10:25 am

    napadaan lang.. sana kayanin natin ang buhay dorm.. gudlak pare..

  • 6. dedpish  |  November 21, 2008 at 2:49 pm

    just swimming around here.

    xD

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.